Mga kabataan na ang diretsahang tinatarget ngayon ng mga tobacco companies sa buong mundo, lalo na sa America. Mula sa makukulay na packaging hanggang merchandising, maging sa flavorings ng mga yosi, ay talaga namang nang-aakit sa senses ng mga teenagers. Dito sa Pinas, kamakailan lang ay isang party ang ginanap na ang promotor ay walang iba kundi ang isang sikat na brand ng sigarilyo, na sa design pa lang ng poster ay bistadong youth crowd ang puntirya. Gosh, wala ba kayong mga anak na teenagers? Apo?
Dapat na itong tantanan bago pa magkaroon ng sigarilyo na lasang Gerber.
Thursday, April 10, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment